Upang magkaroon ng maraming bayaran o “payment centers” para sa mga kustomers lalong-lalo na sa lungsod ng Olongapo, ang Subicwater ay nakipagkasundo sa mga bangko upang kanilang tanggapin ang mga bayad para sa water bills.
Puwede na ngayong magbayad sa Maybank, Philippine National Bank, DBP, Zambales Bank-EBB Branch at Barretto Branch. Kung may ATM card naman ang kustomer o alin man sa kaniyang kapamilya, puwede na ring gamitin ito para makapag-bayad sa alin mang sangay ng BPI. Sa kasalukuyan ay
nakikipag-ugnayan pa ang Subicwater sa Bancnet, LBC Bank at LBP para sa karagdagang “payment centers”.
Kaalinsunod
nito ang paglipat sa tanggapan ng Customer Service Department mula sa Mabayuan
WTP sa Main Office ng Subicwater sa loob ng Freeport. Ito ay upang mapabilis
ang coordinasyon sa ibat-ibang departamento at agarang matugunan ang mga
reklamo at pangangailangan ng mga kustomers.
Copyright (c) 2007. Subic Water & Sewerage Co. Inc.