Isa sa priority at malaking proyekto na pinapagawa ng Subicwater sa kasalukuyan ay ang pagtatayo ng Rapid Gravity Filter sa Mabayuan Water Treatment Plant sa Otero avenue, Barangay Mabayuan. Ang proyektong ito sinimulan noong Disyembre ng taon 2004 at inaasahang matatapos sa loob ng sumusunod anim na buwan. And naturang proyekto ay naglalayon na mas maiangat ang kwalidad at serbisyo ng supply ng tubig na may kapasidad o kakayahang maglabas ng 19,000 cubic meters na tubig bawat araw sa may 24,000 na consumers sa buong lungsod ng Olongapo, particukular sa mga barangays ng Sta Rita, Gordon Heights, Mabayuan at Bajac-bajac. Ang kabuuang halaga ng pagsasakatuparan ng nabanggit na proyekto ay umaabot sa P3 milyon.
Ang pagpapagawa ng filter sa Mabayuan ay isa sa commitment ng Subicwater alinsunod sa franchise agreement. Kung mapapansin ang kasalukuyang pasilidad sa Mabayuan Water Treatment Plant ay may katandaan na at nangangailangan na ng dagliang pagpapalit. Ito ay hindi na rin sapat upang matugunan ang domestic requirements ng lumalaking populasyon ng lungsod ng Olongapo. Ito po isa lamang pagtugon ng Subicwater sa kanyang pangako na lalo pang pag-ibayuhin ang serbisyong pantubig sa Olongapo City at Freeport Zone.
Copyright (c) 2007. Subic Water & Sewerage Co. Inc.